exhibitionist.101

.::. "Pwede bang takpan naten ung legs mo, mina-maniac ka nung lalake.."

Nkasakay kme nun sa LRT papuntang Buendia last Saturday (a week after cia maholdup). Ngkataong nkashorts lang kameng dalawa dahil galing cia sa Sportfest ng company nila, at ako naman ay sinundo nia lang sa bahay ng alas-sais na yta. Takas lang!

Gusto ko sana itanong na "Asan?" kaso baka batukan ako kaya nde ko na un ginawa. Nde cia conservative o kung ano pa man. Beliv me, he's not! Nde dn ako pumayag na mgtakip ng something sa legs, ang chaka naman nun. Mahaba ung shorts ko! Nangiti lang ako, eto kc ung first time na ksama ko cia at naexperience nia ng live ung hundred of moments na kinekwento ko sa knia kung gano kdame ang maniac sa paligid.

enrico said... "nasa kaliwa mo."


I wont forget ang first na maka-experience ako ng ganun. Skip na yung mga taong kulang nalang ay yakapin ka sa jeep, bus, at LRT sa sobrang pgdikit sayo. First year college ako nung first time ko maka-encounter ng isang EXHIBITIONIST. (later part ko nalang nalaman na un pla term sa knila).


YUPPY sa JEEP
-- Pauwe ako nun after ko pumunta sa lamay ng lola ng besfren ko sa Obando, dat was 2 in the afternoon, tirik ang araw! Sakay ako ng jeep to monumento dahil dadaan to samen. My isang lalaki sa likod ng driver na my hawak na laptop, he is also in a formal attire. In short, yuppy nga. Isa isang ngbabaan mga sakay ng jeep hanggang kameng 2 nalang natira sa loob. Tumapat cia kung saan ako nakaupo at pinatong ang laptop sa lap nia (cympre!). Parang my something ciang gnwa na nung una ay di ko tlga magets kung ano. Ayoko na sana pansinin kso nakatingin cia saken so nkukuha nia attention ko. To my surprise- pinantatakip nia lang pala ung laptop nia because he was doing something malicious. Natakot yta ko nun, di ko alam ggawin ko. Bababa ba ko sa jeep? Mgsusumbong bako sa driver? Naisip ko wala namang gngawa saken ung YUPPY except ang tingnan ako habang my "ginagawa" cia. I feel molested that time pero wat can i do, shocked ako! Pgbaba ko ng jeep, inisip ko pa dn bakit ginawa un ng yuppy na un. Weird!


Etong incident na to ay nasundan pa ng 20 encounters pa with them. Ung mga naaalala ko nalang ang isusulat ko.

FX driver
-- Bad trip dba? Pati ba naman FX driver, on the way ako nun sa Review Center ko sa Morayta. Though nde cia ngsasalita, all the trip i was praying na sana Morayta na. (ngaun nde moko masisisi kung bakit ayoko mgtaxi kc feeling ko iuuwe ako ng driver sa knila!)

YUPPY sa BUS
-- yes, yuppy na naman. My laptop at nakapower getup. I am working at Canon Info Tech then, sa Eastwood, so i have to ride the bus from Monumento to Cubao everyday. Nakatabi ko ang cnsbe kong tao one morning. He isnt looking at me in any way, pero ung cellphone nia - nakaharap saken while my ngpplay na SEX VIDEO. Ang high tech dba? Nhhaharass na naman yta ako, but still, i dont know wat to do, how to react. Besides, nde naman niako hinahawakan physically.

100 times na may nakatabi akong maniac sa any public vehicle
-- Haaay, eto tlga ung nkakatakot moment. Kulang nalang ay mahiga ung mga lalake na un sayo, o ilagay ang kamay nila sa bewang mo, at kung ano ano pa maidikit lang ung katawan nila syo. At cympre LIKE THE USUAL REACTION ng mga batang babae- WALA KAMENG MAGAWA. (tanong mo pa sa mga girl frens or ate nio, mahirap tlga mgreact sa ganitong situations) Nde namen to gusto, kso lang takot tlga kme lumaban. Maaaring titigan ng msama ang mga lalakeng to, o sikuhin cla, but that's the best we can do. Sad but true.


Dagdag ko na dn ang mga mild moments na my lalapit sayo sa MALL, LRT, MRT, CHURCH, BOOKSTORE at mgbibigay ng isang tumataginting na pickup line sayo..

Sa dame ng experience ko na ganito, unti unti na-immune nako. Wala ng takot factor. The usual nalang. Inenhance pa to ng isa kong kaibigan na lalake. Nung nalaman nia ang kwento ng mga ganun, nagalit cia. Sbe nia "wag mo itolerate ang mga taong ganun, dapat makatapat cla. Mas lumalakas kc loob nilang gawin un pag walang pumapalag na babae. The more kc na natatakot ang biktima sa pangmomolestiya nila, dun nila nakukuha ang satisfaction nila."

Etong words na to ang natatak tlga sa isip ko, until now. Dapat makatapat sila!

Isa sa pinaka-kinaiinisan ng babae to, ung biglang sisipulan ka hbang nglalakad, o kaya tatawagin ng Ms.Ganda, tpos kapag nde ka namansin sisigawan kpa ng masungit. Dati deadma lang ako dito. but not for long.. (--,)

Guard along isang Mall sa Cubao
-- Umaga to ah, biglang my guard na sumipol pgdaan ko. I stopped pgkarinig ko (pero siguraduhin muna na ako nga tinatawag nia)sabay harap sa guard, tinitigan ko cia mula ulo hanggang paa sbay sbe ng "Kuya naman, LUGE ako.."

Lalake sa BUS pauwe
-- Iba naman style ng tao na to, nakayuko ako nun, cgro hilo at gutom, pgdaan nia saken inangat nia ung ulo ko para tingnan ang mukha ko. Ang kulet dba, feeling close! Ng-eskandalo ko tlga nun sa bus. Sobrang napahiya ung lalake sa ginawa nia.

CUTE na Lalake sa BUS
-- Ibang usapan na to, cute kaya cia.. hahah seriously, nung nilalagay na nia ung kamay nia sa binti ko, inalis ko ung kamay nia. Sbe nia "mabigat ba?" Sbe ko "OO, kasi sinasadya mo!"

Lalake sa MALL
-- Bumulong ng "Sexy mo!" Sagot ko lang, "I know ryt!"

DISCLAIMER: nde ako ngsusungit. Actually alam ko ang rule na bawal ang masungit lalo na pag nde mo pa totally kilala ung tao. sIte some examples. Mas naaalala ko kc mga incident na ganito kapag bago at uniq ang pick up lines. (--,)

EMPLOYEE NG TOEI - MEGAWORLD BLDG, KAPITBUILDING NG IBM (building ko)
-- Ang aking ultimate stalker. One time pgbaba ko ng bus, my sumusunod saken. Ok lang, as if naman i was afraid. Kahit san pa ako dumaan, dun dn cia lalakad. So lumingon nako sa knia kc malayo-layo na dn ung nalakad ko. Tinanong ko cia ng "Bakit?" Nde naman cia ngsalita. Dinedma ako, asar! Pero tuloy pa dn cia sa pgsunod saken. Huminto nako at tinanong kung ano kailangan nia. Gusto nia daw ako ihatid sa office kung ayos lang saken. Gosh, cnundan niako pgbaba ko palang sa bus! And for effort ng lalake na un (YES, generic ang term dahil nde ko hobby mgtanong ng name ng stranger) Pumayag akong ihatid nia ko sa office.Hanggang ngaun twing ngkikita kme, hobby nia pa dn ako ihatid. One time ay inaya nia dn ako mgbreakfast nung nakasabay ko cia pumasok. Gutom dn ako eh, so i agreed! hehe (til now nde ko tlga maalala pangalan nia)

BARISTA NG STARBUCKS
-- Maganda dn style ng taong to. Lumapit cia at ngtanong saken. Feeling ko naman some direction ang gusto nia malaman. Sbay sabe ng "Im asking for your name." Ayos ah, casualan. Lakas ng loob. Straight forward. Dahil sa style nia, i gave my name. However, di ko man lang kinuha name nia!

STAFF NG DO IT YOURSELF
-- While i was looking for a fork, ngtanong ako sa staff nto kung merong single pack lang, puro set of utensils kc andun. Maramihan pa. He answered " walang single jan, but i am!" Nagiti ako inferness, ngfflirt while working ang tao na to. Joking he asked if he cud get my number. I jokingly answered YES as well. Eto na, nung nsa counter na, kinukulet niako tlga for my number, pero ngumingiti lang ako. Hanggang sa nilapitan na cia ng supervisor nia para sawayin cia sa ginagawa nia. Ng-eskandalo cia dahil i promised daw i will give my number. Ng-eskandalo cia to the extent na irreport na cia sa acts nia! Kaloka. Ending, binigay ko dn number ko at nakalma cia. Ako dn nkahinga na. And for the record, NEVER ko cia nireplyan!

Gumagaling nako gumanti sa mga lalakeng hobby mgbigay ng pick up lines no? Last nalang.. Unang lalake na nameet ko na naalala ko ang pangalan.

ENGR ng LASALLE
-- Bago ka mgreact, basahin mo muna. Pauwe kme nun from UAAP (ADMU vs FEU game) and i was holding a blue banner. My sumakay sa jeep, and later started a conversation "Cno nanalo?" Oopps, someone's hitting on me again. (naks ang ganda!) I answered "Who do you think?" He answered "Lasalle?". I laughed, i wont even cheer for that school!(pacencia na) Good conversation. He invited me for coffee, and later found out that he's also from LaSalle at Engineering Grad pa. YARE! Natakot ako d2 inferness. (inamin ko dn naman to sayo dba?) Gusto ko lang ishare ang part nato dahil my mga tao pa dn pala na mamemeet mo na walang motibo..

Cgro nga maciado nako naging at ease sa mga taong gaya nila. Naovercome ko na tlga ang takot ko sa mga maniac. Mdame pa dn akong mga kaibigan na ngsasabeng wag ko na daw patulan, pero nde ko kayang palampasin ang bawat eksena na gagawin ng ibang lalake. Kung ano man ang balak mong gawin next time na maexperience mo to, BE SURE na KAYA mo. It takes practice. Practice muna sa line kong "LUGE". (--,)


Going back..

"Pwede bang takpan naten ung legs mo, mina-maniac ka nung lalake.."
"Eto naman, wag na.." (pero alam kong sinadya mong tumayo sa harap ko para matakpan ang binti ko! tama??)
"Iwasan naten mkagawa ng bagay na mgti-trigger sa mga tao na makaisip silang gumawa ng msama. Takpan mo na.."

O dba sbe ko sayo nde cia conservative.. (--,)

25 responses:

mOtmOt said...

Astig!!! Tatandaan ko mga itinuro mo...shucks, ako din madami naranasan na ganyan, ang matindi pa nito nakita ko ang endi ko pa dapat makita...pucha...hehehehe...

Marianita said...

You are really a queen of "maniacs"hehehe!
Dito pag may ganyan, pugot ang ulo!

I've always been so snob lalo na sa stranger.. so malamang kahit gano ko practice ang tips, di ko pa din yata carry.. magsuplada carry ko... pero yung kalma, NO.. No.. NO WAY.

So far, wala pa naman na mapupugatan ng ulo.. hehehe!

Pero tama ka, my professor also told me, if ever may ganun, you need to make them aware na di tama ang ginagawa nila.. so di nila masatify ang sarili nila to whatever kababuyan ang ginagawa.

As I can recall.. eto palang ang mga nagagawa kong lines "bakit ka tumitingin, ngayon ka lang nakakita ng babae?.. Batost mo ah!"
tipong.. ano sabi mo?? dahan-dahan ka ha sa pananalita mo gusto mo sa prisinto ka pulutin??? Maniac!

Mean ba?? di naman diba?!

Ingat din lagi.. you know naman, talo pa din tayo, kaya ingat-ingat lang!

chyng said...

Jame,
Nxt time pumikit ka! Bata ka pa..

Ms.Marian,
Really, walang ganian sa Dubai? Sbe ng officemate ko, pde na daw kasuhan mga ganiang tao ngaun. Natry nia nga bumaba ng jeep nung my ganung incident, pero bumaba din ung lalake. Katakot sinundan cia!

Anonymous said...

daido...

friendship next time ingat ka palagi ha.. buti sana kung sa akin gagawin yan.. hehehe...

marianita said...

meron din dito sa dubai, pero strict syempre mga news dito. Pero dito, ang justice pabor sa babae "daw"
pag may mga ganun sabihin mo lang "i will call police"matatakot na sila.
Tsaka, yun nga make them aware na di mo gusto.. titigil na sila. may mga taxi driver's kasi na nanghaharass verbally, so nasa passenger na yun. especially mga pakistani"patan", may indian din "pana"

_drakE_ said...

hayyy.. di ako maka-relate.. wala pa kasi akong ganitong experience... waaaahhahaha!

ngats mga gurLs... buti sana kung lahat gaya ko... tama ba c3? hahaha!

Sassy Lui said...

hay naku mga lalaki tlaga..kala mo mauubusan! sarap pagsasampalin tong mga to eh..hehe!

ako daming experience din..hay minsan nakakabadtrip lang pag naalala ko. dpa ganun kalakas loob ko girl kaya tameme muna ako hehe..

kaya girls beware din..kaya magpakalosyang muna at wag magsuot ng shorty shorts lalo na pag sasakay sa public vehicles.

chyng said...

Daido dear,
parang naingget ka pa ah.. hehe
Vsit ka ult d2 sa blog ko, ur welcome!

Ms.Marian,
cge ttandaan ko yan kahit wala ako balak pumunta ng Dubai. Bawal kc jan ang PDA..

c3,
thanks for that very short and simple comment. salamat sa silence.. wink wink

chyng said...

Lui,
sobrang sad naman ung experience na sinabe mo saken.. gago tlga ung mga lalake na ganian. nxt time dapat na yan ipa-salvage!

Sassy Lui said...

hay naku cnabi mo pa girl..pero thankful pa rin naman ako kc un lang ang ngyari sakin. d tulad nung iba na nararape pa tlga..hay naku wag naman sana mangyari satin un..un tlga ang dapat pa-salvage! pero gusto ko muna pahirapan un mga un..un tipong fear factor..un nasa loob cya ng glass ng punong puno ng langgam or nkaapak cya sa ice cube ng ilang araw, or tumabi cya sa mga german sheperd na ilang araw na hindi kumakain (^^,)

kat said...

hahaha..kakatawa.. nakarelate daw ako bigla.. at may natutunan ako.. ganun pala dapat ung mga banat.. ako kasi todo iwas lang ginagawa ko sa kanila.. kaya lang di ko naman pwedeng dukutin ung mga mata nila sa kakasunod ng tingin sa you-know-where..hehe

au said...

chyng kaaliw nga ng blog entry mo...first time ko comment dito s blog mo ha, ok lang b?...just so happened to read it.i didn't know marami palang nakakaranas ng ganyan.unlucky me, isa rin ako dun and i felt really harrassed, those guys are so sick! galing mo naman how you handle these strangers..di ko ata kaya un, afraid ako s mga strangers..traumatized ata...

chyng said...

kat,
akong ngang FLAT is FLATTERING ay nbibiktima, wat more ikaw - na isang JOSA! haha

au,
hey welcome! correct, lahat tyo ay nahaharass pero pare-pareho tyong ayw mgsalita- kc sa bandang huli tyo pa ang nahihiya sa naranasan naten sa mga maniac na yan.

balik ka ult dito ah! (--,)

Palito said...

My sister experienced the same, di din sya nakakibo. Umiyak na lang ng umiyak pag-uwi ng bahay. Pabasa ko sa kanya ito para GIRL POWER na din sya. =)

chyng said...

palits,
nung sinulat ko ung entry na to, mdameng ngreveal saken na babae ng mga harsh experiences nila sa mga ganiang lalake. lahat nga cla natakot, tpos naiyak din. at lahat ayw ikwento in public ang naexperience nila. kawawa!

Roninkotwo said...

hehehe..nalalate na ko sa mga bago mong entry..pero nde bale, ino-ot ko nlang para mabasa ko..

One time naiwan ako ng shuttle. Sa pag habol ko ay agad umandar ang bus..Dahil last shuttle na yun, madami na din ang nakatayo at karamihan ay babae..dahil ayaw ko mahulog, kinapitan ko ang lahat ng pwede ko kapitan, ng marealize ko na malambot ang hawak ko pero sakto sa grip ko..ang hinaharap na pala ng isang kasamahan sa trabaho ang dakot ko..Hindi naman ako iniskandalo, maliban sa mga tili mula sa mga kasama nya..sana ay hindi nila inisip na maniac ako..tsk tsk tsk

Roninkotwo said...

nabasa ko yung comment mo sa blog ko na nde pa ko comment dito..buti nalang at nauna na ko makapag comment kaya late na ang message mo..hehehe

Mainit ang dugo ko sa mga maniac sa daan lalo na pag nakita ko na kasama ko ang mina-maniac. Malamang ay dinukot ko na ang mata nun at pina sagasaan sa magkabilang lane ng LRT.

chyng said...

sir lloyd,
buti di ka sinampal! (act, alam ko na ung story na to.) cgro alam din kc ng mga tao jan na aksidente tlga un kaya di na ngreact ung babae.

..unless nagustuhan nia dahil sbe mo nga #1 HEARTROB ka jan..
PEACE tayo! hehehe (--,)

marianita said...

actually chyng, lalake yung nahawakan nya. so artificial boobs lang yun... heheheh!
asa ka pa sir lloyd, heartrob ka dyan! tse! hehehe!

Roninkotwo said...

Ate marian, kung nauna lang ako kay chyng mag post ng ganitong klaseng blog, mas madaming beses ako minolestya ng mga kababaihan..(napaiyak, habang inaalala ang mapapait na karanasan)

Anonymous said...

hmmmmm. bibo bibohan na namn.hahah eto bka mkatulong di namn cya applicable tlga sa enumerated na maniakan pero just in case...hahha

R.A 7877

Sec. 3. Work, Education or Training-related Sexual Harassment Defined. ? Work, education or training-related sexual harassment is committed by an employee, manager, supervisor, agent of the employer, teacher, instructor, professor, coach, trainor, or any other person who, having authority, influence or moral ascendancy over another in a work or training or education environment, demands, requests or otherwise requires any sexual favor from the other, regardless of whether the demand, request or requirement for submission is accepted by the object of said Act.

R.A 9262

(a) "Violence against women and their children" refers to any act or a series of acts committed by any person against a woman who is his wife, former wife, or against a woman with whom the person has or had a sexual or dating relationship, or with whom he has a common child, or against her child whether legitimate or illegitimate, within or without the family abode, which result in or is likely to result in physical, sexual, psychological harm or suffering, or economic abuse including threats of such acts, battery, assault, coercion, harrasment or arbitrary deprivation of liberty.


sana may anti-violence against men din.hahha
ingat nlang !

chyng said...

ms.marian at sir lloyd,
sana makita ko kaya mg-asaran in person. my pisikalan ba dito? hehe

ahmed, aka bibo kid,
thanks sa info! wel, lahat nman cgro protected ng law ng sexual harassment- women, men, birds and the bees. (--,)

Jon Cabron said...

kinakabahan kong binasa ng mabagal ang entry mo at masaya naman akong nakahinga ng maluwag na hindi ako kasama d'yan sa mga naka engkuwentro mo sa daan... ahhhm friends?

gasti said...

wala akong pruweba sa sasabihin ko ah pero sa tingin ko malakas ang sex appeal mo..and also madalas ka magsuot ng maiiksing damit at short.

i totally agree dun sa guy na nagpayo sayo sa end ng post.

Chyng said...

@jon
aha! so isa ka sa mga taong malakas magtrip? joke!

@gasti,
uy, di ako ngsskirt(unless kelangan) at sbe ko nga, mahaba yung short ko.

true, i agree with him also. his name is jeric. (--,)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...