A Birthday Treat (Contest)

Thank you all for the warm greetings and wishes. I truly appreciate your kind words. Specially for those who I havent met personally, thank you. Im flattered.

I received more than 250 greetings last Monday at para sa mga demanding na di ko nareplyan agad, you dont have any idea what I've been through- misfortune turned into a blessed bday. Next entry yan.

Going back, it made me sad knowing Remay, close friend of mine didn't greet me. Impossible malimutan nya dahil every year we spend our bdays together. Well, galit kasi siya sakin. Kasalanan ko naman. Gala kasi ako ng gala. Di na tuloy kami nagkita bago sya pumuntang Chicago.

2 days after my bday, may dumating na package sa bahay. I received a letter and a gift. Funny thing, binasa pa nung messenger yung message nya aloud: "c3, aminin mo nasurprise ka!"


It melts me. Sabi na nga ba mahal mo pa din ako, di mo ko natiis! Im so surprised. Touched ako. Thanks fren. Mishu too! ♥

We have a tradition kasi to eat out on our bdays. And since Remay is not here to celebrate with me and I want to share my bday treats too, then we'll be having a contest who I will be bringing with to enjoy this P2000 worth of Outback Steakhouse goodies!

Simply answer these 2 questions:

1. What is your most favorite among my entries and why?

2. How would you react if you suddenly transformed into a fish? 0_o

○ Contest is open to all readers and/or followers of my blog.
○ Prize is lunch/dinner treat at Outback Steakhouse- with me!

○ The most interesting answer will win.
○ Remay will be the judge so dont try to impress me and make you look we're acquainted, knowing Remay- lalong di ka nya pipiliin. So everyone, pretend we're not close! :)
○ Another tip: dont answer too seriously, specially with the 2nd question. Hihi

Extra thank you to: Mang Arnel, my tour guide, Next entry ikaw ang star! Papa for cooking KareKare. Iyay and Edward for the Polly's cake. Jeff and Adam for the Ice Cream. Jeric for the coffee and cheesecake treat. Dred for the Sex and the City treat. Drin for the Banapple treat (tumino ka!). Abie para sa 5 boteng Yakult! ♥

Update: As of June 7, 2010, we picked the winner. Click here.

45 responses:

rEm said...

OUTWIT...
OUTPLAY...
OUTLAST...

OUTBACK!

let's see who deserves to be your 'date'?

hahaha!

Chyng said...

Panalo, galing mag bigay ng title!

FYI: Remay blogged this entry.
Thank you all the way! ♥

rEm said...

haha! gaLing ko mag-follow ng instructions mo eh.. :P

by the way...
baka mamis-interpret ung 'date'...

c3's contest is open to ALL - babae o lalaki.
matanda o bata.
basta sa LAHAT (daw)!

enjoy! ;)

Palito said...

My favorite entry - your trip to Sagada alone. Girl power ka don, Chyng!!!

If I suddenly turned into fish, di na ako makakareact, kasi malulunod ako, di ako marunong lumangoy e. Pero kung automatic ang pagkamaster ko ng paglangoy sa pagiging isda ko, magfoform na lang ako ng heart bubbles sa ocean as my reaction. Hahahaha...

Sumagot talaga ako? Belated happy birthday, chyng. :)

Anonymous said...

may prob yung name/url section. hahaha


si Allen yung anonymous. sorry :))))

danda07 said...

Favorite Entry - Mt.Pulag! =) ang galing mo kasi doon.. kinaya mo iyong soobrang lamig at hirap ng pagtrek!=) Saka astig iyong kuha mo na nakashirt ka lang! haha! =)

Kung maging isda ako.. masaya un! magiging magaling akong lumangoy! =) Pede ko na mameet si nemo! haha!

^_^

Apol :) said...

Belated Happy Birthday, Chyng! :)

...minsan ayoko na magbasa ng blog mo kase naiinggit ako sa adventures. pero the past blog and this one binasa ko since hindi related sa gala. At dahil question question pala, makiki-answer ako.

(1) i super like ur Enchanted Kingdom entry kase very creative. Ilang beses na ko napadpad ng enchanted but ive never seen those numbers sa mga mata ko... nice! :)

(2) if suddenly maging fish ako, e cguro magtatatalon ako (ng pa-swim style) sa tuwa kase hindi ko na kelangan mag-dive para makakita ng magandang view under the sea... pero kung ganun, maging fish din sana ang husband ko. :D at least d ko na sya pipilitin mag-aral ng scuba diving! hahaha! :D

abenglaham said...

Favorite enrty-photowalk boracay w/harvey at mom mo.masarap kaya gumala kasama mga importante at mahal mo sa buhay.astig din yung unang sabak ni harvey eh.

kung magiging isda ako magpapahuli ako at sana gawin akong fishball para malasahan nila ang sarap ko wahahahaha...

game din ako dito.hehehe

pusang kalye said...

~My favorite entry???---Sagada, obviously. Aside from the fact that it has haunted me since young age to go there, na-challenge ako sa ginawa mo. to go there alone and surviving the place, esp yung sa cave. I hate caves, it scares me to death---but when I saw you, aba--- kung kaya nitong petit girl na to, bat ako hindi? you inspire me in many ways. Also, I learned from your post that anything good and beautiful is best savored when you work hard for it. At kahit sinabi mo pa sa post mo na sugal buhay talaga, we decided to spend our honeymoon there.......and I realized na tama ka...Sagada is a paradise on earth!!!!


_______________
about the 2nd question:
( kailangan talaga pahirapan ang tanung? hehe)

panu ako makakareact e isda na nga ako--makaka-segway paba ako nun e that would mean losing the ability to speak? o well, maybe I will just commit suicide coz I don't want to be a fish. I love being human coz I think I am already perfect in my human form.lol. Then again, how would I kill myself if I were a fish? OMG....ang hirap. alangan i-untog ko ulo ko sa mga corals, I know, magpapalunod nalang ako. kunwari kinapos ako ng hininga. isdang nalunod. nice~~

Allen said...

Favorite entry- Anawangin/Nagsasa/Capones Trip. The post helped me a lot when I went there last year. Mula sa budget, transpo, what to bring and even the boatman, nakuha ko sa blog na to.

If I would become a fish, I would go into hiding for the rest of my life to make sure that i don't land on anybody's plate.

P.S. ang ulam ko ngayon ay isda. LOL

LeStSkY said...

pasali...

Favorite Blog:

SAGADA adventure siyempre.. dream ko talagang pumunta dito.. at nung nabasa ko yung blog ni sis chyng.. nako talaga sabi ko kahit mag-isa langa ko pumunta kahit umatras na silang lahat pupunta ako.. nakakatukso tlga.. :)

If i sunddenly turned into a fish:

love ko beach talaga kaso hindi ako marunong lumanggoy.. gang chest deep lang huwag ng lalalim pa.. so kung maging fish man ako.. pagkakataon ko na makalanggoy at maexplore ang ilalim ng dagat.. pupuntahan ko na ang tubataha reef kasi mahal magdive hehe :)

Lawstude said...

belated happy birthday chyng and more to come :)

fave ko yung calaguas post mo kasi isa yun sa reasons why nagpunta din ako dun. di ko nga lang inabutan yung girl na naka over-all stripes :-P

kung magiging fish ako malamang di ako ang mag-rereact kundi yung makakakita sakin kasi sasabihin nila "attorni... isda u?"

Allen said...

P.S. Rem has a slight resemblance to Brad Pitt. :))))

jimbo said...

gusto kong entry mo is yung Enchanted Kingdom Countdown kase i like to take pictures also. imaginative yung naisip mong gumawa ng countdown using the rides and attractions at EK. iba ka talaga kiko. hehe saka naniniwala nga akong sakin kayo nagmana ni enrico kumuha ng pictures. :D

sa 2nd question naman na maging isda mag aapply ako sa Agua Bendita papalitan ko si Otep. hehe para lagi kong kasama si Agua wag nga lang akong ilagay sa fishbowl.

btw kiko, pasabi kay rem na wala ako sa pinas sakaling ako piliin nya. next year pa yan magamit baka expired na yung GC sayang naman. :P

The Gasoline Dude said...

Teka paano 'yan? Nasa Singapore ako? Hahaha feeling ko naman ako ang mananalo. LOL

So pwede ba akong sumali?

MarcoPaolo said...

Simply answer these 2 questions:

1. What is your most favorite among my entries and why?
- Gusto ko yong nagpunta ka ng Sagada alone... and u'll survived the adventure doon... :)

2. How would you react if you suddenly transformed into a fish? 0_o
- All I want to do is to swim. lols

dex said...

Belated Happy Birthday Ms. Chyng!

(1) My favorite entry is 'Surviving Sagada Alone I & II. It's a blast! I've always wanted to travel alone but I don't have the courage and guts to do so. But these entries gave me inspiration and tips. I'm now planning to go to Sagada also by myself. Thanks to you. :)

(2) If I suddenly transformed into a fish? Whoah! I'll be a very big fish then. I'll probably laugh watching the reaction of people around me. I just hope a good heart will return me to a clean sea. I'd love that. :)

2 + 2 = fish. :)

lhay said...

belated happy birthday!

1. the Vivere Suites entry kasi i'm a hopeless romantic. ay hindi pl!nainggit aq kasi i never had a bf who surprises a girl that way..

2. i'll swim the deepest part of the water kasi takot aq mgswim sa malalim dhil i had an experience nun bata aq na i almost drown. and kakagatin ko si nemo..haha!

docgelo said...

game!

1. peborit blog post mo :
SAGADA. bakit? Basta iyon ang gusto ko, hehehe.. ilang bloggers ba, sama mo na mountaineers, hikers, local at foreign adventurers ang pupunta sa Sagada ng mag-isa na may peace of mind at gusto lang ng aksyon? Di ba ikaw lang iyon, chyng?

2. if i suddenly be transformed into a fish i'll do two things :
1. check ko muna kung nasa aquarium ako, open fresh or salt water.
2. magdadasal ako ng taimtim, panic (highest form iyon ng anxiety) kasi naalala ko bigla i cannot swim. haha!

sana manalo kami. bakit? kasi outback sa g3 ang first date namin ni tina. mayroon na kaming gabby pero haven't got a chance to go back. iyon lang!

rob said...

.. most favorite among your entries and why? - it'll be surviving sagada alone series, 'cause it really showed how gutsy and adventurous you are - even if you're a girl.

.. my reaction if i suddenly turn into a fish. - simple lang, sasabihin ko sa sarili ko: "yuuuk, ang lansa ko!!!" haha!

dred said...

Favorite ko ung anawangin/nagsasa/capons trip dahil bukod sa kasama ako dun, npakamemorable nun kc 1st time kong nahilo sa byahe, ng bonggang bongga. Tpos npakaganda pa ng view..

If I suddenly turned into fish, I would be very happy kc lalangoy ako papunta sa barko nla raf para makasama xa..hehehehe

chat said...

si chyng ang peyborit ko at hindi yung mga trip nya.. wahaha! pero.. bumilib ako dun sa last trip nya, sya lang daw mag-isa ang natuloy. iyak nga sya ng iyak pagdating nya ng bahay e. tapos yinakap ko sya ng mahigpit.. mahigpit na mahigpit! sabi ko.. "anong nangyare?" "tahan na.." haha! joke lang! hanga ako kasi kabisado ko yang babae na yan e. ang galing dahil kinaya nya! ang tinde nun, para kang nagpunta sa party pero ikaw lang ang umatend? at di mo alam kung pano mo eenjoyin yung nasa harap mo. tibay nun di ba?

e kung magiging isda naman ako..
halimbawa ay nagyoyosi ako sa tindahan tapos sa isang iglap ay naging isda ako.. eto ang magiging reaction ko.. "paksyet man!" habang nagpapapasag ako dun sa semento na maputek at puro dura!

depende rin kung anong klaseng isda.. kung maging boteteng laot ako ay hindi na ko magrereact.. matatawa pa ko kasi parang wala namang pagbababago! haha!

well.. pano ba idya-judge to ni rem e parepareho lang naman kame ng mga sagot?

kaso, lamang ako dahil kapatid ko yan e! kaming dalawa lang ang magkapatid dito sa mundo! so bale isa na lang ang hahanapin nyo para makasama nyo kame ni chyng reyes.

this game is over..
the search ends from here!

baka di pumasok yung pangalan ko..
ako si charles reyes! (see? apelyido pa lang..)

Jepoy said...

mamya na ko gagawa. Pag hahandaan ko muna. REM kumapit ka kelangan kong manalo. Bwahihihi!Bigyan kita ng discount sa JC penny dyan hihihi

princess_dyanie said...

di na ko sasali teh. comment lang ako. o wag ka umarte haha! hanep sa segway! fave entry sabay fish! bwahahaha!!

39ers!! 39ers!! 39ers!!

Pukaykay said...

Favorite entry: Mt Pinatubo adventure kasi parang dyahe at pagkehirap makapunta dun dahil meron pang 4X4 ekek. Pero nung nabasa ko yung entry, sus! ang dali lang pala!

Pag naging isda ako. Enjoy! Pero dapat maturn into fish ako nang nasa magandang beach ako ha. Para no need na magbayad ng mga pagkamahal na Helmet dive!

Kung sa ilog naman ako maging fish, deadma lang, parang lang akong tulog dahil para akong nakapikit sa dilim ng paligid.

Chyng said...

Hala, pati kapatid kong si Charles Reyes sumali! Haha

Ai said...

1. Surprisingly, hindi yung mga food trips and mga laboy/gala mo ang fave entry ko.

My fave entry of yours is “OA (Overwhelmed Ako)" --- http://riandrew.blogspot.com/2009/11/oa-overwhelmed-ako_13.html

This is my fave dahil nalaman mo (at nalaman ko rin) kung gano kadaming nagmamahal sayo. Kahit hindi mo nga kakilala, nagpakita ng empathy and ng love for you. Amazing, di ba? Tapos ikaw, pinakita mo ang appreciation mo sa concerns and empathy nila by showing thanking them.


2. Kung maging fish ako, I'd probably cry kasi I'm happy as a human being. Pero I'll make the most out of it (no choice). I would really really explore the underwater. Magpapaka-explorer talaga ako.

At since underwater na ako, I’ll look for Nemo para magka-part II ang “Finding Nemo”. Tapos pag nahanap ko na si Nemo, I’ll talk him into leaving his place again (i-b-B.I. ko siya) para may part III naman (I’m sure, matutuwa si Ellen Degeneres kasi gustung-gusto nyang magka-sequel ang Finding Nemo).

Siyempre, I'll try to look for Atlantis. Who knows, baka mahanap ko. ;P

Photo Cache said...

one generous deed begets another.

happy birthday.

been reading your posts, what a cool blog.

kikilabotz said...

cg cg try kong sumali. ahahaha

ang favorite kog entry mo. is tantannanana...
"a birthdat treat (contest)" no joke..xempre may prize eh...

question number two is.....sasabihin kong hindi ako isda..kundi isa akong sirena.....kaya magsusuot ako ng ra..wahahahaha...

Anonymous said...

1. Seldom I see people's eye on jellyfish... I love the jellyfish blog, it reminds me of "7 POUNDS," Will Smith starrer, a real heart-breaking film! You guys should see it... I love how you captured jellyfish in different colors, it's like even "The Most Dangerous Creature" can still be looked at in different shades!
It's like saying... "Even the worst person in the world can love and be loved after all! :)

2. I'd still be glad cause I know you will not eat me, just like what you said in your "Jellyfish" entry "FISH ARE FRIENDS, NOT FOOD!"
The best part is, even if I'm a FISH, we'd still be FRIENDS! :)

And this comment will bring all the readers back to the "JELLYFISH" blog that you have! ;)

the donG said...

i wont take this like i wanted to win since na meet na kita at someone else deserves this. and the fact na magkakabyahe tayo (hindi next year) ok na ok na yon as prize. hehehe...

mi paborito entry na tu blog is the calaguas post and the pulag. you gave us a great overview of the place and i was actually planning to get to those places too while you went ahead. great tips and traveling solo in Sagada remains to be one of the coolest as you did the cave connection! (insert worship plurk icon here).

if one day i woke up as a fish, ill teach them to blog... i believe they'll have the best blog.

x'tian said...

AYAW KO SUMALI BAKA KASI MANALO AKO..

i let d oders win,I sshare ko ang friend ko para malaman nila how best u r...*_^ wink

nicquee said...

Awww, belated happy birthday Chyng!!!

Good luck sa mga sasali and to your friend who will choose the winner. I'm sure mag-eenjoy xa sa pagbasa ng entries. :D

mich said...

My favorite entry - Calaguas Island. It's too informative, cool, ganda ng mga pictures, na-describe din how travelers know how to spend their money, hindi naman kailangan lagi ng bonggang-bonggang luxury para lang mag-enjoy sa trip, just a combi of a few bucks, a beautiful place, and people who's really into adventure and same trip, and whoala! PERFECT! sa super favorite ko ang entry na to, kaya pupunta ako dun next week! :)

My reaction kapag ako ay biglang naging isda? Weeee.. mag-iismayl ako ng malaki, at pupunta ako kagad sa pool; hindi ko pa kasi nata-try yun for sure. :) As a fish, pagkatapos kung magsawa magpalibot-libot sa pool, pupunta ako sa best diving spot dito sa Pinas, yung may sementeryo. Yun kasi ang hindi ko pupuntahan kung tao ako, kahit pa nakapang-scuba attire ako, parang di ko keri. Kaya pupunta lang ako dun pag fish ako.

david said...

MY favorite entry is this entry... well technically hindi pa sya favorite.. unless mananalo ako hahaha.

Seriously, the entry i liked the most is ung na-suprise ka paguwi from a vacay, tapos ay naka-make over na yung room mo. that was really sweet of your nanay and tatay. i think april sya last year napost..

--- --

reaction ko?

sa 1st day: iiyak ako. ayoko kasing maging daing..jujuju

sa 2nd day: depression stage

sa 3rd day: anger stage

sa 4th day: acceptance stage

sa 5th day: moving on stage, and positivity kicks in.. magsisimulang mangarap ng magagandang bagay..

matutuwa na ako kasi, ang pagiging isda ay halfway na din sa pagiging alam-mo-na-hahaha... at finally! makakanta ko na ang Part of Your World!!!

david said...

love you and mishyuuuuu!!! mwahhhh!!!

we're planning another video party hahahaha

bleue said...

Pajoin, haha! Teka ilan ba winners dito???

1. Calaguas at Last, Need I say more? No words can appropriately describe a Calaguas experience so I don't need to explain :))

2. Lucky me! I was a fish in my previous life and loved the experience. Plus, I don't have to bring a tank and to wear my wetsuit and mask and I can stay underneath as long as I'm alive. :))

kristel said...

Belated happy birthday! :)

Arvin U. de la Peña said...

belated happy birthday..hanapin ko agad si agua at kaibiganin,hehe..sakali ma transformed na maging isda..

TOJ said...

pano yan ang dami ko favorite? well most memorable entry
is your bohol entry http://riandrew.blogspot.com/2009/03/bohol-countryside-tour-mar09.html
una dahil dito ko nadiscover ang blog mo. googled at isa ka sa mga lumabas! sikat!
pangalawa, dahil ginaya ko ang itinerary mo from BBF to tour guide RJ to itinerary (at dinner cruise din! gaya gaya puto maya!) hahaha! sobrang detailed naman kasi ng post mo, with pictures pa kaya damang dama ko na agad ang magiging feeling kung nandun na ako sa mga tourist spots! sobrang helpful sa bohol trip ko kaya winner ang post na yun!

at kung magiging isda ako, hinding hindi ako kakain ng uod. eww.

Kurapengpeng said...

My favorite? Hmmm...I would probably say... Yung Mt. Pinatubo Entry mo. Kasi kulang na lang i-print ko yung blog mo bago kami tumuloy kasi sigurado akong mahihiya ang MAP ni DORA dun. Isa pa, na-challenge ako dun kasi natakot ka kamo mag-swim.. kya nagtapang tapangan kami nung lumusong kami sa nuknukan ng lalim at malumot na tubig na yun. Effort yun a. Pagsamasamahin ang nakapang didiri yet kakaibang experience sa paglangoy sa bunganga ng bulkan... tarush!

(I can't believe I'm answering this.. hahahha!) If I were a fish, I'd be glad kasi hindi ko na kailangan mag-effort na magpakuha ng underwater shot at laitin ng mga tao sa FB na Agua... Agua Maldita! Ang hirap kayang ipagpilitan ilubog ang sarili sa tubig lalo na pag may pwet na katulad ko na kauna-unahang lumulutang pag pinipilit kong sumisid. I can't take it anymore. Arte? hehe!

rEm said...

WOW!

Overwhelming ang comments/answers..
nakakatuwa.. dahiL don - "hahahaha!"

the contest ends here...

i'll evaluate everything and give my winner/s to Chyng...

Charles,
Sorry but u have been disqualified, bawal family (1st degree).. di lang nasulat pero asa rules un.. :P

ALL,
THANK YOU FOR THE PARTICIPATION!!!

(at tigilan na ang kalokohang ito!)

Mic Garing said...

Sayang. 'Di ako nakaabot.

Errr. Sasagot parin ako *grin*

1st: I love Chyng's Sagada entry. Lakas ng tawa ko sa 'buwis-buhay' expression niya. Hahahaha!

2nd: Isda? 0_O Friends na kami ni Chyng kapag ganun, because... FISH ARE FRIENDS!!!! *plok plok plok*

P.S.
More happy and feel good blogs to come :)

Roninkotwo said...

Naku late na naman yata ako. Hindi bale sasagot parin ako hindi dahil sa papremyo! (plastik)

1. What is your most favorite among my entries and why?

Ah eh, ang hirap...ah yung, nde mas maganda yung..kaso parang mas okay yung..Ang hirap, pero puro pagkain nasa isip ko ngayon, kaya yung "Easterrific Feast at Dusit Crossover" ang gusto ko.

2. How would you react if you suddenly transformed into a fish? 0_o

Ganto ang magiging reaction ko kung magiging isda ako ngayon... "blub, blub, blub...kisay kisay kisay..."

Sendo said...

parang ang tagal ko ngang namahinga sa pagbablog....di na bale..greet pa rin kita ng isang MALIGAYANG KAARAWAN!!!! ^^ belated...God bless you more..and more trips to come!¬!! ^^

and di nako makakahabol sa contest pero favorite entry ko eh ung sagada mo ^^

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...