What's Your "Love and Kindness" Story?

The most memorable part of my trips is always the moment I encountered great acts of kindness on the road. The feeling is just overwhelming. It reminds me that Im blessed, Im never alone, and I need to pay this goodness forward. I love sharing stories of this kind and I'd love to hear your stories too. I asked some of my friends to share theirs. Here it goes:

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

In 2004, I was sent to Thailand for training with fellow Hitachi officemates. Sabi ng mga naunang batch samin, meron daw supercheap na shabu-shabu style na OK doon sa may area ng hotel where we will be staying. But they couldn’t tell us how to commute going there kasi sinama lang sila dun ng mga Thais nung farewell party nila. Hindi na namin mahintay yung farewell party namin, gusto na namin matry na! Nagdecide kami magcommute kami, to get there we had to ride a motorcycle (yes, hawak-hawak kami sa bewang ng driver)

Okay nga restaurant! Less than P100 unlimited shabu-shabu ng kung anu-ano, unlimited ice cream, mangga, pakwan. We took advantage of the buffet kaya medyo nagtagal kami dun. Sobrang napatagal ata kami, kasi wala na kami masakyan pauwi. Nag attempt kami na maglakad nalang pabalik, pero malayo parin.

So we stopped at a store to ask kung anong tawag sa lugar where we were, para tatawag kami sa hotel para sunduin kami (we didn’t have the hotel number..tsk.tsk) The owner offered na sila nalang maghatid. Meron silang motor na meron carriage. Lima kami, ewan pano kami nagkasya =)

So when we reached the hotel, we were so thankful. We asked him how much. His reply was “no, its okay. Enjoy your stay in Thailand!”

Wow! We all wondered if Pinoys would do that to a foreigner.
I hope so! ---> Jamie


♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Isang batang babae na nasa edad pito, may payat na pangangatawan, at madungis na damit ang tumapat sa sinasakyan ko pauwi ng Bulacan ng matraffic ito sa EDSA. Gamit ang dalawang bato bilang instrumento, habang bitbit ang ilang pirasong sampaguita ay sumasabay ang kanyang paos na tinig sa isang awiting pamasko na matamlay niyang inaawit. Bagamat pagod ang katawan ko noon ay unti-unting nagising ang diwa ko at napatingin sa bata. Binaba ko ang bintana at inabot sa batang nagkakaroling ang limang pisong barya na nasa bulsa ko. Wala kahit anong reaksyon akong nakita sa mukha niya, wala man lang kahit "thank you!". Sinara ko ang bintana at ibinalik ang atensyon sa daan.

Ilang sandali pa ay narinig kong kinakatok niya ang bintana ng sinssakyan ko. Inis akong sumenyas na wala na akong ibibigay
subalit patuloy parin ang bata sa pagkatok. Para tumigil ay ibinaba ko ulit
ang bintana at dinukot ang piso na natitirang barya sa bulsa ko. Hindi ko
pa man kumpletong naibababa ang bintana ay nagulat ako ng iabot sa akin ng
bata ang dala niyang sampaguita kasabay ng isang matamis na ngiti.

Halos malusaw ang puso ko ng abutin ko ang sampaguita. Bago pa man ako makapagsalita kahit man lang "thank you" ay tumakbo na siya papalayo...
---> Lloyd


♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

In 2004, I participated on a four-week medical mission in a remote community in Quirino Province.

I cannot forget how the people from that place treated our group so kindly. Nadiyan yung pagsalok ka ng tubig, yung pagluto ka ng ulam at yung pag gising mo ng umaga may nilagang saging na naghihintay sa harap ng pintuan ng tinitirhan namin. To think that these people are mostly farmers, they live a very simple life but you know they are happy. They never asked anything from us, sila pa nga ang nagbigay sa amin.

We had to part ways after the medical mission, people from the community were crying because we were about to leave! It was one-of-a-kind experience for me, I was so fortunate to have met them. ---> Rob


♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

In one of my travels, I distinctly remember a man that my mother called "an angel sent by God." This happened the first time I stepped in Europe. My sister and I landed in Amsterdam and had to go to our hotel, somewhere in the Red District (oh yes), and for that, we needed to buy train tickets. We were so excited to try buying from the ticket machine, marveling at the first world the Netherlands is. That is, until we actually got to the machine and tried buying the ticket. We were completely clueless as to how it works! We tried different tactics, pushed different buttons, but still no tickets.

We must have looked like idiots because this elderly man came to us and asked if we were having problems. We explained our situation (with a bit of embarrassment of course) and felt a sigh of relief when he taught us, step by step, how to buy tickets. He even used his discount card for us and we were able to avail of a 3-euro discount (that is a big deal when you are in a budget)! Hurray! Not only that, he went with us in the train and made sure we got off at the right station, which was actually two stops after his. If we hadn't thanked him profusely and told him we could manage on our own, he might have come with us all the way to the hotel! Imagine what that must have looked like...two young Filipino women and an elderly Dutch man! He he! Anyway, we said our goodbyes with him telling us to stay safe and to enjoy our trip (as he went back the two stations). After that "lesson", we NEVER had to ask someone how a ticket machine works, elsewhere in Europe. That man was truly an angel. ---> KG

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

inferness, ang yayaman pala ng mga friends ko! ako lang ang hindi! hehe
okay, moving on..

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

"Hala naiwana ko po wallet ko!"
Bigla kong nasabi habang naglalagay nang pagkain ang tindera ng kainan sa may Edsa-Central. Di naman ako talaga natakot, alam ko na naiwanan ko ang wallet ko, pero namutla ako sa sobrang hiya.
"Okay lang. Sige bayaran mo na langpag nadaan ka."
"Ei pangalawang beses pa lang akong nakakain dito."
"Sige okay lang."

That moment I feel perfect.
Gumawa ako ng paraan dahil nakakahiya talaga, lalo na at nailapag na sa aking mesa ang tortang talong, isang tasang kanin, at gulay. Tapos dinalhan pa ako ng baso na may yelo at pitsel na tubig. Hindi matapos tapos ang thank you ko.

I texted my friend at since malapit lamang siya, sinabi ko ang situation. Di pa pala siya naliligo, pero pupuntahan niya na daw ako. Siyempre nahihiya na naman ako kaya naghalukay ulit ako sa bag at alas, natatakpan ng t-shirt na black ang aking wallet.

Oh Heaven, thanks for my friend and these people that keeps my faith in humanity even more. --> Dave

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Puerto Princesa. First time naming magsnorkeling sa buong buhay namin. Dream came true talaga. Hindi ako marunong lumangoy kaya umaasa lang talaga ako kay neiL at sa life jacket. Wala din kaming sariling snorkeling gear. Habang nagssnorkeling kami, aksidente kong nahulog ang goggles sa malalim na part! :| Sabi nila, P1500 daw bayad dun.

Buti na lang mabait si Kuya, sinisid niya iyong googles at kinuha. Tuloy ang saya! :) Kaya everytime na magssnorkeling kami, todo hawak na ako sa goggles ko, mahal pala iyon! :D ---> Nicole

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

It happened when I was in second grade, 8 years old lang ako (O diba recently lang. hahaha!)
We don't have a yaya so everyday, iniiwan namin yung 10 months old brother ko sa neighbor because no one would look after him. One day nagmaganda ako at kinuha ko siya after school. Nagbaon ako ng gatas niya then we went.. dinala ko sa sementeryo. Hang out ko yun chaka yung mga batang kalye samin. Nangunguha kami ng paso pag lumayas ang dalaw. hahaha! Matumal ang benta. Naalala ko pa may nililibing nung hapon na yun.

Suddenly, umulan ng malakas. Wala akong payong ang saya. Just imagine an 8 year old girl, holding a crying baby brother trying hard to cover him up sa ulanan. Para akong pulubi. May naawang ale. Dinala niya ang pasong nakolekta ko, at pinayungan kami hanggang sa makauwi ng bahay. And mind you ang layo ng sementeryo samin promise. Sayang I forgot to ask who she was. I can't even recognize her face today. ---> Maricar

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥


Great things happen when you least expect it. Like the simple act of kindness that we got from this family who were on their way back home from spending the weekend also in Nayong Pilipino.

They let us ride their van for free when they saw us walking along the streets. So instead of us walking another 1KM just to get to the main road we were spared the added fatigue. We were already worned out with all the walking that we did inside Nayong Pilipino.

We admire this family especially the parents who showed us kindness. I know their children will grow up like them.
---> Marx




♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥


My turn.
I'll never get tired of telling everybody my Ilocos Hysteria turned blessed birthday experience. It was an unexpected solo travel, and there I was- traveling with no sufficient money, no ATM card, and no cellphone on hand, and the best part it's all happening on my birthday! WTF! Wow, That's Fantastic! ♥

I know my remaining money wont make it. I have to cut my expenses so I can be able to go back to Manila. My tour guide Mang Arnel insisted that I must see Kabigan Falls. I told him I'd love too, but I cant afford the fees. What he did? He drove me to the site and paid P120 for my fees! He even accompanied me down the falls though for sure he has seen this falls a hundred times (wala daw kasi magpipicture sakin). I had goosebumps. Napakabuti nya for doing that. And I cant even treat him for some softdrinks.

Come lunch time, pucha gutom na gutom nako, pero wala na kong pera. Tiis nalang with my jellyace. Then Mang Arnel drove me to a small eatery. Sabi nya, "kain ka na, ako bahala sayo."

Grabe, I was teary eyed. That lunch may not even cost a lot, but that's the grandest birthday treat I ever had. I felt I received God's blessing on my birthday. read full story: http://www.chyngreyes.com/search/label/Ilocos

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Now it's your time to share. ^_^
Send me your stories + a picture of you to chyngreyes@gmail.com
I'll include your story in this compilation. Thank you!

30 responses:

Chyng said...

Now it's your time to share. ^_^
Send me your stories + a picture of you to chyngreyes@gmail.com
I'll include your story in this compilation. Thank you!

Darwin said...

chyng, promise, teary-eyed ako after reading your part..nakakatuwa no, minsan talaga perfect stranger pa yung makakapagpasaya sayo...

ako nga nagtry magsolo backpacking trip, kahit alam kong may enough akong money that time, sobrang kinakabahan ako..buti nalang may mga mabubuting tao na tumulong sakin nung feeling ko nawawala na ako, hinatid ako mismo nung manong driver sa simbahan na hinahanap ko at may isa pa na ngsabe mga late 50's na sya kasama nya mommy nya na mga 80 years old na, akay -akay nya, tapos nagvolunteer sila, sbe nya sasamahan daw nila ako, tapos sabe ni manong driver ihahatid na lang daw nya ako...nakahinga ako ng maluwag after nun...

darwin
http://trackingtreasure.net

Roninkotwo said...

Nice to be back..sabi ko sayo..excited ako makita ulit ang post ko sa blog mo pa..kaya inabangan ko talaga..ako tuloy una sa comment..=) naaliw ako sa picture namin ni gaby..nde pla ko nakapag send...hahaha..pero natuwa ako..ang liit pa ni Gaby..=)

Roninkotwo said...

Hapi Valentyms pala!!!! =)

Pinoy Boy Journals said...

Chyng! i love your story, nakakaiyak nga! ano ba yan, ang bait naman! i'll find time to write a story. i still believe if you do good to others, others will do good to you as well! Very heartwarming post!

Calvin said...

uy ok to ha. send ako kung may maisip ako. alam ko meron eh. :P pero hindi ko lang maisip ngayon.

nakuha mo na pala shirt mo?

thepinaysolobackpacker said...

that's true. you reap what you sow. happy valentine's dear! :) see you soon!

Chyng said...

@darwin,
God loves solo travelers no? when everything seemed wrong, there'll always be someone who'll save the day! ang galing!

@sir lloyd,
nahiya naman ako sa galing ng pagkakasulat mo.. hehe
cute ni Gaby! ang liit!

@jerik,
isip ka, im sure madami yan. lagi kong nababasa sa blog mo. will wait for that! ;)

Chyng said...

@calvin,
it's a pleasure to add your contribution!

and yes, ginamit ko na 2x ang Ms.Saigon shirt mo. thanks a lot!

@ga-el,
see you soon ka jan! tse! (joke!)

rob said...

.. thanks for including mine, chyng. kindness still exists in people's heart.

Ibyang said...

hi chyng, you are truly amazing. this is such a nice compilation. just by reading the stories you shared, i feel so blessed.

happy vday! may god bless you more.

Kate said...

Thank you for compiling this list! Super nakaka touch! I believe in karma... I think you really get what you give :) I'm sure these people (you included) have been really nice kaya good things happen to them. Happy hearts day :)

Rizalenio said...

Happy Heart's Day!!! :)

khantotantra said...

ansarap mabasa ang stories ngayong kakagising ko lang at nagreready pumasok.

witsandnuts said...

It's an inspiring compilation! In response to your invite, may I post/send mine minus my photo? Hahaha. Happy Valentine's, Chyng!

Sendo said...

haha chyng i remember your story...kinukwento ko yan sa mga kaibigan ko haha.... si mang arnel nga naman ^^ bait...happy valentines ^^

Chew On This said...

love this post sis :) so positive kasi. There's still kind people all over the world kahit tingin natin halos wala ng natitira na ganun sa mundo :)

JeffZ said...

.. Kuya Arnel - the travel blog sensation!

all we need is one act of random kindness at a time.. ang saya tignan ng mundo if all we do is to be kind to one another.. :)

Photo Cache said...

ang galing nitong post na to. hats off ako sa creativity mo sa pag conceive ng posts.

heto naman ang sa akin:

location: singapore
taking the taxi to our hotel. tanong ng driver saan ang hotel. we gave him the name and address. kami ng hubby ko ito. we were spending 3 days in s'pore before returning to california.

sabi ng driver with so much concern in his voice. red light district itong address ng hotel nyo ah. sabay tawa kami ni mister. we told him we didn't make an error in choosing the hotel. we wanted to experience the red light district in s'pore. besides all the websites we checked before booking, people were sharing their positive experience.

still the driver was not convinced. he gave us some tips on what to do in case certain situtations would arise.

when we reached the hotel, okay naman. the guests were mostly backpackers (mura kasi) the entire time we were there. tsaka wala kaming nakitang babaeng kalye the time we stayed there.

mura na hotel, malapit sa mrt, at surrounded by eats na murang mura pa.

but i was touched by the taxi driver's concern for our safety.

gillboard said...

hmmmm...

about four years ago, i thought that i've always been a terror supervisor. Strict. Unforgiving. The typer that people hate.

Eventually i had to give up the position for personal reasons, and the best thing i got on my last day at work was a dvd with messages from the people in my department.

i cried listening to people's testimonials for me.

i asked who made the video, and i was told that the person who made it was the rep who i almost transferred. he was actually the one who initiated to give the gift.

it was one of the nicest thing anyone's ever done for me.

kg said...

asus chyng! ang laki naman ng photo ko! kakahiya! he he! sana walang makakita! :)

i remember your story chyng...it was one of the nicest stories i've ever read. makes me believe in the kindness of people.

"We all wondered if Pinoys would do that to a foreigner."--i've always wondered this too. :)

pusang kalye said...

at syempre wala ako kasi ang tamad kong masulat. ewan ko ba. after Hk bigla akong tinamad. pinilit ko lang sarili ko para magpost sa blog. kung baga kinaladkad ko sarili ko sa pinto. pati mga emails ko diko nasasagod. hahaha. sori ha. nways. give chance to others. hehehe

happy valentines Chyng!!!!

danda07 said...

Happy heart's day chyng! :)

docgelo said...

ayan, so wala akong dulot kasi hindi na nakahabol sa post mong ito ang kwento ko. sorry! pasensya na chyng.

every story is inspiring.
nice post!

dong ho said...

The owner offered na sila nalang maghatid. Meron silang motor na meron carriage. Lima kami, ewan pano kami nagkasya>>> kakatuwa tong kwento ni Jamie.

naalala ko yung kwento mo kay mang arnel. ang kabaitang walang kapalit.

again happy valentines day Chyng!

poot said...

Oh Ate Chyng, this post is very uplifting. I was teary eyed. It's like I'm reading Chicken Soup for the Soul. Until now, I'm having goosebumps.

Two thumbs up to Ate Chyng and the contributors! Ang ganda ganda ng stories.

Ang Babaeng Lakwatsera said...

Nakakatuwang basahin ang mga ganitong storya.. very inspirational..

My kwento ako.. pero hindi ako ang tinulungan.. kundi.. ako ang tumulong.. merong foreigner.. hindi nya alam kung pano bumili ng ticket sa LRTII.. tinulungan ko bumili den iniwan ko na sya.. tapos nakita ko sya.. nagtatanong sa guard kung pano gamitin yun ticket.. hindi sila magkaintindihan nung guard.. tapos dinedeadma na sya kunwari hindi na sya naririnig.. hindi ko naman masisisi yun guard.. nilapitan ko uli sya den tinuro ko kung pano gamitin yun ticket.. after that.. nakailang beses sya nag thank you sakin.. sobrang sarap ng feeling ng nakatulong ka sa kapwa mo..

Sidney said...

Meeting nice and helpful people during a trip is one of the rewarding things of travelling.
You might forget that famous cathedral but not the smile and kindness of a perfect stranger.

http://travel-on-a-shoe-string.blogspot.com/ said...

Madami talagang mababait sa mundo, napatunayan ko na din yan so many times sa mga travels ko.

http://travel-on-a-shoe-string.blogspot.com/

nathalie said...

ganda ng compilation nato...at napaiyak pa ako.. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...